STEP 6: LIBERATION PRAYERS

MGA DALANGIN NG PAGPAPALAYA

Habang dinarasal ang mga Liberation Prayers sa pagkakasunod-sunod sa ibaba, mainam na ino-obserbahan ng namumuno at ng mga “volunteers“ kung ano ang mga “reactions“ ng biktima sa mga panalangin. Punahin at tandaan kung ano‘ng bahagi o kung sa ano’ng mga salita o pangungusap sa dalangin siya nag-re-‘react‘. Kung ito ay kagyat na napansin ng namumuno, mainam na ulitin ang mga bahagi ng dalangin kung saan marahil nayuyurakan ang masamang espiritu. Tandaan na ang layunin ng Liberation Prayers ay ang palayain ang ginagapos ng masamang espiritu nang hindi tahasang (directly) nangugusap sa mga ito.

Sa pagitan ng pagdalangin, maaaring tanungin ng namumuno kung ano ang nararamdaman ng biktima. Tanungin kung sa proseso ay may biglang sumakit sa bahagi sa kaniyang katawan. Kung magkagayon, ay maaaring pahiran ng “exorcised oil“ ang mga bahaging ito.