PAGTANGGI’T PAGTIWALAG
Ang maysakit o biktima ay gagawa ng sariling Pagtanggi at Pagtiwalag sa mga bagay-bagay na nagiging balakid sa lubusang pagtanggap ng paghilom ng Panginoon. Mariing iminumungkahi na ang sumusunod ay basahin nang maka-ilang ulit upang lubos na maunawan ang mga sinasaad nito at masuri ang sariling budhi at buhay. Kung handa na ang biktima o may sakit, ay dadasalin nang malakas ang sumusunod na dalangin sa harapan ng Blessed Sacrament. Maaring gawin ito nang naka-upo.
Kung hindi maka-babasa ang biktima sa anumang kadahilanan ay babasahin ito nang malakas at malinaw ng namumuno upang sangayunan ng biktima.
Panalanging Pagtanggi’t Pagtiwalag Sa Mga Paniniwala’t Gawaing Okulto at Hindi-Katoliko
Biktima:
Sa Dakilang Ngalan ni Hesu-Kristong Panginoon at Diyos, ay taos-puso kong ipinahahayag ang aking pagtanggi at pagtiwalag sa mga paniniwala at mga gawi at gawaing hindi maka-Dyos, tulad ng:
A) Mga paniniwala, pagkilala, pagsabuhay at pag-sangguni sa mga sumusunod:
► Sa mga alternatibong relihiyon inihahalo o iniuugnay sa Katolikong Pananampalataya tulad ng:
○ “Fundamentalismong Kristiyanismo,” “New Age,” Budismo, Hinduismo, Shintoismo, Satanismo, Luceferismo, Nostisismo, Animismo, Kabalismo, Spiritismo, Buduismo, Shamanismo
○ Mga maka-Kultong pag-aaral at paniniwala ng mga Mason, ng mga Albularyo, mga mangkukulam at mangbabarang
○ Mga pamahiin o superstitions kaugnay sa panganganak, pagbibinyag, pag-aasawa, paglilibing, o kaugnay sa pang-araw-araw na gawain
○ Mga pamahiin ng “padugo” o pag-aalay sa mga espiritu (madalas bago magpatayo ng tirahan o gusali),
○ Mga pamahiin ng pag-aalay ng mga “pagkain” sa yumao (sa ibabaw ng ataol ng patay), pag-aalay ng pagkain sa “poon” (madalas sa harapan ng imahen ng ‘santo” sa maliit na “altar” sa tahanan)
► Sa mga aral at pananaw ng mga ateista, agnostika at mga mason
► Sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga demonyong nagpapanggap na “kaluluwa ng mga mahal na yumao” o ng mga namatay na tao sa pamamagitan ng:
○ “ouija board,” “spirit of the glass,” “charlie, charlie chalenge”
○ “mediumship” o pagsanib ng espiritu ng isang tao o ng mga “banal” na nilalang sa isang “medium” para makipag-usap at sumangguini sa mga ito, (o “trance channeling”)
○ “Automatic writing”
► Sa pagsangguni sa mga hula at tagong kaalaman mula sa mga:
○ baraha, tarot cards, pagbasa ng mga guhit ng palad, ayos ng mga bitwin at mga planeta sa kalangitan (astrology), “numerology” o sa bisa ng mga numero at bilang, ayos ng mga gamit at bagay sa bahay
○ ayos ng mga dahon o mga patak ng kandila at ibang pamamaraang okulto,
○ pamamaraan ng mga albularyo sa pagpapagaling at paggamit ng tawas at lahat ng kanilang pamamaraang okulto,
► Sa pag-gamit ng mga anting-anting at mga bagay-bagay na pinaniniwalaang may dulot na swerte at pagsanggalang laban sa “masamang espiritu,”
► Sa pag-tanggap ng tagong kapangyarihang mag-pagaling ng karamdaman mula sa mga ninuno o mula sa mga “highly evolved spirits,” (madalas na may halong sumpa sa di pag-tanggap nito)
► Sa paniniwala at paggamit ng mga “bulong” o mga oraciones, mga sikretong pananalangin (madalas na ina-akalang sa lehitimong wika ng Aramaic, Hebreo, Griego, Latin o Español), naka-sulat man o sina-ulo, upang mag-paggaling o mag-palayas ng demonyo.
► Sa pakikibahagi o pagsama sa mga “Ghost hunting sessions” o “spirit questing” – pakikipag-ugnayan sa mga espiritu ng yumao sa kabila ng marangal na hangaring makatulong sa “pagpapalaya” sa mga kaluluwang ligaw at “maka-panik” na sa “langit” na pakay; pakikibahagi sa mga ito dahil mausisa (curious) lamang;
► Pagkilalala sa iba’t ibang “diyos,” batid man o hindi, sa pamamagitan ng mga minanang gawi at pamumuhay mula sa mga ninuno ng ankan (tulad ng relihiyong Buddhismo o Hinduismo at iba pa)
► Pakikilahok sa mga “simbahan” o samahang nangangaral o nagsasabuhay ng:
○ “Gospel of Prosperity” – na nagtuturo na hindi kaloob ng Diyos ang materyal na paghihirap
○ “Bible Alone” at “Faith Alone” – mga turo ng “born-again fundamentalists” na tahasang uma-atake sa dangal at mga turo ng Simbahang Katolika at sunasalungat sa parangal na iginagawad ng Simbahang Katolika sa Mahal na Birheng Maria
○ Heretikong paniniwala na si Hesu Kristo ay hindi Diyos (Arianismo) – halimabawa ang mga turo ng Iglesia ni Cristo (na itinatag ni Manalo)
○ Heretikong paniniwala na si Hesu Kristo ay muling nagkatawang tao sa pagka-tao ng isang nilalang
○ Heretikong paniniwala na ang demonyo at mga anghel ay di totoo at ito nasa loobin o isipan lamang ng bawat nilalang (ito’y maaaring “new age angelologies” o ibang katuruan na nag mumungkahing makipag-usap sa mga anghel at alamin ang pangalan ng guardian angels sa pamamagitan ng “chanelling” o “mediumship”)
○ Heretikong paniniwala na ang Latin Mass lamang ang tunay na Misa; maaring kaugnay nito ay ang paniniwala na ang Vatican II ay gawa ng demonyo at di dapat paniwalaan; kaugnay nito ang:
○ ○ Heretikong paniniwala na ang mga naging Santo Papa simula noong Vatican II ay mga impostor, “anti-Christ” o mga satanista.
○ ○ Maling paniniwala na ang lahat ng relihiyon ay pare-pareho (o ang kasalanan ng “indifferentisma”)
○ ○ Maling paniniwala na di lahat ng turo ng Simbahang Katolika ay dapat sundin at paniwalaan dahil may mga mali ito; madalas kaugnay ito sa pag-laban ng Romanong Katolikong Simbahan sa mga immoral na issues na isinusulong ng ilang grupo, halimbawa ay ang usaping same-sex union, legalization ng divorce, contraceptive mentality, legalization ng abortion, “separation ng church from state” (na ang ibig sabihin ay huwag maki-alam ang simbahan sa usaping moralidad sa mga piling imoral na issues at state policies);
○ ○ Mga okultong (o patagong) ritwal ng pagdalangin, pag-aalay, pag-orden, pagpapagaling at pagtuturo; madalas na pinamumunuan ng isang taong sinasapian umano ng “banal” na espiritu (maaring Diyos, Mahal na Ina, Santo, o mga “highly evolved beings” mula sa “other dimensions” o ibang planeta).
○ ○ Mga Charismatic-oriented Groups na patuloy na nagpapairal sa mga sumusunod: “Speaking in Tongues,” “Slain by the Spirit,” “Baptism of the Holy Spirit” (mga katuruang pawang pang-protestante na hindi kinikilala ang Sakramento ng Binyag at nagtuturo ng tahasang paghingi at pag-ako ng mga extra-ordinary graces, na hindi dapat hinihiling ayon sa katuruan ng Simbahang Katolika.
B) Pagkahumaling sa buhay at gawing di-maka-Diyos:
► Pagkalulong sa Pinagbabawal na Gamot o Droga
► Pagkalulong sa Alak
► Pagkalulong sa Pagsusugal
► Pagkalulong sa Pangungupit o Pagnanakaw
► Pagkalulong sa Pornograpiya
► Pagkalulong sa Kahalayan ng Pita ng Laman (at extra-marital sexual affairs)
► Pagkalulong sa Kasakiman at Materyalismo
► Pagkalulong sa Kayabangan at Pagsisinungaling
► Pagkalulong sa Makasalanang Galit at Poot
► Pagkalulong sa Makasalanang Inggit o Selos
► Pagkalulong sa Makasalanang Katakawan
► Pagkalulong sa Katamaran
► Pagkalulong sa Bisyo ng Pagmumura o Pagsumpa laban sa Kapwa
► Kawalan ng pakialam sa Buhay at Aral ng Simbahan, ang Katawan ng Panginoon
► Kawalan ng pakialam sa mga Sakramento ng Simbahan
► Kawalan ng pakialam sa Sakramento ng Kasal (at kampante lamang sa kasal na huwes o live-in)
► Kawalan ng pakialam sa Pananalangin at Pakikipag-ugnayan sa Diyos
► Kawalan ng pakialam sa Pangangailangan ng Kapwa
► Kawalan ng pakialam sa Banal na Eucharistiya (sa pagsamba sa Araw ng Linggo)
► Kawalan ng pakialam sa Sakramento ng Kumpisal
► Kawalan ng Pagpapatawad sa Kapwa
► Kawalan ng Pag-asang kaya akong baguhin ng Diyos
► Kawalan ng Pag-asa sa Kapatawaran, Kapangyarihan at Pag-ibig ng Diyos
► Pagkahumaling sa isang nilalang (asawa, anak, girl friend o boyfriend)
► Pagkahumaling sa mga kunswelo (consolations) ng buhay pananalangin
► Pagkahumaling sa makapagdudulot lamang ng “sarap” at “ginhawa” sa pakiramdam at panglasa (hedonismo)
► Pagka-humaling sa sariling talino, abilidad at kagandahan (narsisismo)
|Pinagsisisihan ko po kung mayroon man akong nagawa at pinaniwalaan sa mga kasalanan at maling paniniwala na nabanggit. Itinatakwil ko ngayon sa Iyong harapan, O Panginoong Hesus, ang lahat ng aking mga kasalanan, paniniwala at katuruang mali at humihiling ako ng Iyong Kapatawaran. Ikaw lamang ang pinipili ko, O Hesus na aking Panginoon at Tagapagligtas. | (3x)
(Kung may paring namumuno sa liberation prayers maaari siyang magpatuloy sa sumusunod na Step 5: Breaking o magsagawa ng Minor Exorcism Prayers sa Chapter 3, Step 5-A at 5-B.)