STEP 3: HEALING PRAYERS

MGA PANALANGIN SA PAGHILOM

Ang maysakit o biktima ay mananalangin:

A. Victim

Prayer for the Healing of Intimate Wounds 1

Biktima:
O Panginoong Hesus, ako’y pakumbabang nagsusumamo na Ika’y manahan sa piling ko at hilumin ang aking sugatang puso, katawan at kaluluwa. Hindi man karapat-dapat na ako’y tumanggap sa Iyong Banal na Katawan…

Sa maraming pagkakataong ako’y nakinabang na walang lubos na pagsisisi sa aking mga kasalanan, patawad, Panginoon, patawad.

Sa mga pagkakataong hindi sumusukat at umaayon ang aking isip, salita at gawa sa Iyong kalooban, na tanging Ikaw lamang ang nakababatid, patawad Panginoon, patawad.

At dahil sa aking kawalan o kakulangan ng pakialam at pagdamay sa paghihirap at pagdurusa ng aking kapwa, kung saan Ikaw ay nananahan, patawad, Panginoon, patawad.

O Panginoong Hesus, ako’y pakumbabang nagsusumamo na Ikaw ngayon ang manghimasok sa buhay at katawan ko, iyong abang lingkod. Hilumin ang mga sugat na iniwan ng aking nakaraang pagkakasala, simula pa sa aking pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Palayasin Mo po ang lahat ng mga pasakit at kapinsalaan sa aking kalooban at pagka-tao na dulot na rin ng aking mga kahinaan.

Palayasin Mo po ang lahat ng bisa ng mga masasamang galit, poot, hinanakit, sumpa, bulong o maka-engkantong kulam na ipinadala sa akin dulot ng kahinaan at karupukan ng iyong mga nilalang.

Idulot Mo po ang kapatawaran sa kanila habang ako pa man ngayon ay nagsusumikap dalhin ang puso ko sa gayung lubusang kapatawaran.

Ako ay nananalig na tanging sa Iyong Kapangyarihan lamang magmumula ang paghilom ng aking kalooban. Ikaw lamang ang makapagbibigay kagalingan sa lahat ng pinsalang dinulot ko sa aking sarili at sa aking kapwa.

Hilumin Mo po ako, Panginoon, upang sa abang makakayanan ko, ay makapagdulot din ako ng paghilom sa buhay ng ibang nilalang. Ikaw na naghahari sa aking puso at isipan, Diyos mag-pasawalang hanggan. Amen.

Or:

Prayer for the Healing of Intimate Wounds 2

Biktima:
Panginoong Hesus, Ikaw ay dumating sa piling namin upang hilumin ang aming mga pusong sugatan at puspos ng ligalig. Nagsusumamo akong hilumin Mo ang nagdudulot ng paghihirap na sanhi ng pagkabalisa sa aking puso’t isipan. Nagsusumao ako, sa natatanging paraan, na palayain ako sa lahat ng mga sanhi at dulot ng aking mga pagkakasala.

Nagsusumamo akong manahan Ka sa buhay ko at hilumin ang lahat ng mga sikolohikal na pinsalang dumagok sa akin simula pa sa aking pagkabata at hilumin ang lahat ng pinsalang dulot nito sa aking buhay ngayon.

Panginoong Hesus, alam Mo po ang aking mga pasanin. Idinudulog ko pong lahat ito sa Puso mo bilang Mabuting Pastol. Nagsusumamo ako, sa pamamagitan ng mga dakilang biyayang nagmumula sa iyong Pusong sugatan, na hilumin ang maliliit na sugat sa aking puso. Hilumin ang lahat ng masakit at mapait na ala-ala sa aking isipan at katawan, nang sa gayon ay matigil ang pagdudulot ng mga ito sa aking buhay ng ibayong pasakit, ligalig at hapis.

Hilumin Mo, O Panginoon, ang lahat ng aking mga sugat na nagiging sanhi ng kasamaang nag-ugat sa aking buhay.

Nais ko pong magpatawad sa lahat ng nagkasala sa akin. Tunghayan ang lahat ng balakid sa puso ko upang magawad ang lubos na kapatawarang ito.

Ikaw na naparito upang magpatawad sa pusong suwail, pakiusap ko po’y pagalingin ang aking puso.

Pagalingin Mo, Panginoon Kong Hesus, ang lahat ng mga tagong sugat sa puso ko na nagdudulot ng karamdaman kong iniinda ngayon.
Ini-aalay ko sa Iyo ang puso ko.

Tanggapin Mo, Panginoon, paka-linisin Mo at igawad sa akin ang mga damdamin ng Banal Mong Puso. Tulungan Mo po akong maging maamo at mapagkumbaba.

Hilumin Mo po ako, O Panginoon, mula sa kalungkutang bumubuyo sa akin dulot ng pagpanaw ng mga mahal ko sa buhay. Ipagkaloob Mo po sa akin ang biyayang matamasa ang katiwasayan at kagalakan ng loob na nagmumula sa kaalamang Ikaw ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay.

Gawin Mo po akong tunay na tagapagpatotoo at saksi sa Iyong Muling Pagkabuhay, sa Iyong pagwawagi laban sa kasalanan at kamatayan, sa Iyong buhay na Pananahan sa piling namin. Amen.

B. Leader

Kung ang maysakit o biktima ay hindi makapagbabasa sa anumang kadahilanan ay mananalangin ang namumuno sa ngalan ng biktima:

Prayer for the Healing of Intimate Wounds 1

Namumuno:
O Panginoong Hesus, kami’y pakumbabang nagsusumamo na Ika’y manahan sa piling namin at hilumin kami sa aming mga karamdaman, lalung-lalu na ang sugatang puso, katawan at kaluluwa ni N. Hindi man kami karapat-dapat na tumanggap sa Iyong Banal na Katawan, tinatanggap Ka namin ngayon sa pamamagitan ng espiruwal na Komunyon.

Sa maraming pagkakataong si N. ay nakinabang na walang lubos na pagsisisi sa kaniyang mga kasalanan, patawad, Panginoon, patawad.

Sa mga pagkakataong hindi sumusukat at umaayon ang kaniyang isip, salita at gawa sa Iyong kalooban, na tanging Ikaw lamang ang nakababatid, patawad Panginoon, patawad.

At dahil sa kaniyang kawalan o kakulangan ng pakialam at pagdamay sa paghihirap at pagdurusa ng kaniyang kapwa, kung saan Ikaw ay nananahan, patawad, Panginoon, patawad.

O Panginoong Hesus, kami’y pakumbabang nagsusumamo na Ikaw ngayon ang manghimasok sa buhay at katawan ni N., ang iyong abang lingkod. Hilumin ang mga sugat na iniwan ng kaniyang nakaraang pagkakasala, simula pa sa kaniyang pagka-bata hanggang sa kasalukuyan.

Palayasin Mo po ang lahat ng mga pasakit at kapinsalaan sa kaniyang kalooban at pagkatao na dulot na rin ng kaniyang mga kahinaan.

Puksain Mo po ang lahat ng bisa ng mga masasamang galit, poot, hinanakit, sumpa, bulong o maka-engkantong kulam na ipinadala sa kaniya dulot ng kahinaan at karupukan ng iyong mga nilalang.

Idulot Mo po ang kapatawaran sa kaniya habang siya pa man ngayon ay nagsusumikap dalhin ang puso niya sa gayung lubusang kapatawaran.

Siya ay nananalig na tanging sa Iyong Kapangyarihan lamang magmumula ang paghilom ng kaniyang kalooban. Ikaw lamang ang makapagbibigay kagalingan sa lahat ng pinsalang dinulot niya sa kaniyang sarili at sa kaniyang kapwa.

Hilumin Mo po si N., Panginoon, upang sa abang makakayanan niya ay makapagdulot din siya ng paghilom sa buhay ng ibang nilalang. Ikaw na naghahari sa aming puso at isipan, Diyos mag-pasawalang hanggan. Amen.

Or:

Prayer for the Healing of Intimate Wounds 2

Namumuno:
Panginoong Hesus, Ikaw ay dumating sa piling namin upang hilumin ang aming mga pusong sugatan at puspos ng ligalig. Nagsusumamo ako, ang Iyong abang lingkod, sa ngalan ni N., na hilumin Mo po ang nagdudulot ng paghihirap na sanhi ng pagkabalisa sa kaniyang puso’t isipan. Nagsusumao ako, sa natatanging paraan, na palayain Mo siya sa lahat ng mga sanhi at dulot ng kaniyang mga pagkakasala.

Nagsusumamo kaming manahan Ka sa buhay ni N. at hilumin ang lahat ng mga sikolohikal na pinsalang dumagok sa kaniya simula pa sa kaniyang pagkabata; at hilumin ang lahat ng pinsalang dulot nito sa kaniyang buhay ngayon.

Panginoong Hesus, alam Mo po ang kaniyang mga pasanin. Idinudulog niya pong lahat ito sa Puso mo bilang Mabuting Pastol. Nagsusumamo kami, sa pamamagitan ng mga dakilang biyayang nagmumula sa iyong Pusong sugatan, na hilumin ang maliliit na sugat sa kaniyang puso. Hilumin ang lahat ng masakit at mapait na ala-ala sa kaniyang isipan at katawan, nang sa gayon ay matigil ang pagudulot ng mga ito sa kaniyang buhay ng ibayong pasakit, ligalig at hapis.

Hilumin Mo, O Panginoon, ang lahat ng kaniyang mga sugat na nagiging sanhi ng kasamaang nag-ugat sa kaniyang buhay.

Nais niya pong magpatawad sa lahat ng nagkasala sa kaniya. Tunghayan ang lahat ng balakid sa puso niya upang magawad ang lubos na kapatawarang ito.

Ikaw na naparito upang magpatawad sa pusong suwail, pakiusap niya po’y pagalingin ang kaniyang puso.

Pagalingin Mo, Panginoon Kong Hesus, ang lahat ng mga tagong sugat sa puso ni N. na nagdudulot ng karamdamang iniinda niya ngayon.

Iniaalay niya sa Iyo ang kaniyang puso.

Tanggapin Mo, Panginoon, paka-linisin Mo at igawad sa kaniya ang mga damdamin ng Banal Mong Puso. Tulungan Mo po siyang maging maamo at mapag-kumbaba.

Hilumin Mo po siya, O Panginoon, mula sa kalungkutang bumubuyo sa kaniya dulot ng pagpanaw ng mga mahal niya sa buhay. Ipagkaloob Mo po sa kaniya ang biyayang matamasa ang katiwasayan at kagalakan ng loob na nagmumula sa kaalamang Ikaw ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay.

Gawin Mo po siyang tunay na tagapag-patotoo at saksi sa Iyong Muling Pagkabuhay, sa Iyong pagwawagi laban sa kasalanan at kamatayan, sa Iyong buhay na Pananahan sa piling namin. Amen.