STEP 1: PREPARATION

PAGHAHANDA SA LIBERATION SESSION

Mahalaga na bago magtipon-tipon ang mga namumuno (leaders) at “liberation volunteers” para sa isang liberation session, ang bawa’t isa ay naka-pag kumpisal na, mas mainam kung nakapag-simba na at nakinabang, at depende sa laki at bigat ng kasong kinakaharap, ay maaring nakapag-ayuno na rin.

Sa harapan ng Blessed Sacrament ay dadasalin ang sumusunod na mga panalangin.

Preparatory Prayers

(Nakaluhod)
Namumuno:
Luwalhatiin Ka, O Diyos, luwalhatiin Ka!
O Panginoon kaawaan mo kaming makasalanan.

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Lahat :
O Sakaramentong kabanal-banalan!
O Sakaramentong kabanal-banalan!
O Sakramentong pinaka-banal!
Lahat ng papuri’t pasasalamat ay mapa-sa Inyo
Ngayon at magpakailan man.

Santo, Santo, Santo
Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga Hukbo
Puspos ng Iyong luwalhati ang langit at lupa,
Osana sa kaitaasan !
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon, Osana sa kaitaasan!

Anima Christi
Espiritu Mo, O Kristo, pabanalin Mo ako.
Katawan Mo, O Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo Mo, O Kristo, dumaloy Ka sa akin.
Tubig sa Iyong tagiliran, hugasan Mo ako.
Pagpapasakit Mo, O Kristo, palakasin Mo ako.
O butihing Hesus, pakinggan Mo ako.
Sa Iyong mga sugat, itago Mo ako.
Huwag akong pahintulutang mawalay sa Iyo
Sa masasamang kaaway, ipagtanggol Mo ako.
Sa oras ng aking kamatayan, tawagin Mo ako.
At utusan Mo akong lumapit sa Iyo
Nang ako ay magpuri sa Iyo kasama
ng Iyong mga Banal
Magpasawalang hanggan. Amen.

Banal na Pagpupuri

Purihin ang Diyos.
Purihin ang Kaniyang Banal na Ngalan.
Purihin si Hesu-Kristo, Diyos na totoo at taong totoo.
Purihin ang Ngalan ni Jesus.
Purihin ang Kaniyang Kabanal-banalang Puso.
Purihin ang Kaniyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Jesus sa Kabanal-banalang
Sakramento ng Altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos,
Mariang pinaka-banal.
Purihin ang kaniyang Imaculada Concepion.
Purihin ang kaniyang Pag-akyat sa Langit.
Purihin ang Pangalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kaniyang
kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang
mga anghel at mga Banal.

Ang puso nawa ni Jesus, sa Kabanal-banalang Sakramento, ay mabigyang papuri, sambahin at ibigin nang may mapagpasalamat na pagmamahal, sa bawa’t sandali sa lahat ng tabernakulo sa mundo hanggang sa katapusan ng panahon. Amen.

Tumahimik sandali para sa pagsusuri ng budhi.

Namumuno :
Ating suriin sumandali ang ating mga budhi at papag-baguhin ang ating hangaring lubusang paglingkuran ang ating Diyos. (Ilang minutong pag-susuri)

Sabay-sabay nating wikain:
Pagsisisi
O DIYOS KO, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat ng aking mga kasalanan dahil sa takot sa iyong makatarungang hatol, ngunit higit sa lahat, dahil ito’y nakakasakit sa iyong kalooban, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang tagubiling pagsisisi, at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong-buhay. Amen.

Or :
Pangkalahatang Pag-ako ng Kasalanan
Inaamin ko sa Diyós na Makapangyayarìhan sa lahát, kiná Santa Maríang laging-Birhen, San Miguel Arkánghel, San Juan Bautista, mga Santo Apostól na siná Pedro at Pablo, at sa lahat na mga Banál, at sa inyó, mga kapatíd, na akó’y nagkasalà sa isip at sa salitâ: aking salà, aking salà, aking lubháng kasalanan. Kayâ isinasamo ko kiná Santa Maríang Birhen, San Miguel Arkánghel, San Juan Bautista, mga Santo Apostól na siná Pedro at Pablo, at sa lahát na Banál, at sa inyó, mga kapatíd, na ako’y ipanalangin sa Panginoón nating Diyós.

Nawa’y kaawan tayo ng Makapangyarihang Diyos at patnubayan tayo hanggang sa buhay na walang hanggang. Amen.

(Maaaring ilakip dito ang mga piling dalangin na nasa Chapter 1: Personal Individual Liberation Prayers bilang paghahanda sa biktima.)