Tandaan na ang langis na ginagamit ay hindi “chrism oil,” “oil for the sick” o “oil for catechumens,” na gamit sa mga sakramento. Ang “exorcised oil” ay “pure olive oil” na dinasalan at binasbasan ng pari gamit ang “Exorcism Blessing of Oil” na matatagpuan sa “Appendix” ng aklat na ito.
Maaaring sabihin ng namumuno ang sumusunod habang pinapahiran ng “exorcised oil” ang biktima:
Namumuno:
O Panginoong Hesu-Kristo, sa pamamagitan ng sakramental na langis na ito at sa pamamagitan ng mga pananalangin ng mga Banal at mga Anghel sa langit, nawa ay ipagsanggalan Mo po † at iligtas sa lahat ng masasamang espiritu itong si (N). † Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Or:
“Sa kapanyarihan ng Krus † ng Panginoong Hesu-Kristo ay hinihilom ka (N) at pinagsasanggalan ng Diyos ang iyong katawan laban sa masasamang espiritu. Amen.”