4. Pagtatalaga Sa Kalinis-Linisang Puso Ni Maria

Pari/ Namumuno:
Kalinis-linisang Birhen Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Simbahan, itinatalaga ko sa Iyo, Ina na nagnanais na lumapit sa amin, ang aking kapatid na si N. Sa kaniyang pahintulot, ay ipinahahayag ko ang kaniyang pagtatalaga sa iyo ng lahat ng kaniyang pagkatao at lahat ng kaniyang pag-ibig. Ipinahahayag ko rin ang kaniyang pagtatalaga sa Iyo ng kaniyang buhay, mga gawain, kaniyang kaligayahan at kapighatian. Aking inihahabilin sa Iyong pagkalinga ang lahat ng kaniyang pagkatao at lahat ng kaniyang pag-aari, yaman, panahon at talino – Ikaw na aming Mahal Ina.

Turuan mo siyang lalung lumapit kay Hesus, at kung siya man ay magkasala, tulungan mo siyang magsisi at magkumpisal sa pamamagitan ng Sakramento ng Pakikipag-kasundo na nagdudulot ng wagas na kapayapaan sa aming kaluluwa. Tanganan mo siya ng iyong masintahin at kaibig-ibig na kamay, O aming Ina. Amen.