Panalanging Pagpapawalang Bisa Ng Mga Sumpa At Bulong
Namumuno:
|Sa Kapangyarihan Mo, O Hesu-Kristong Panginoon ko at Diyos ko, ay ipawalang bisa Mo po ang lahat ng mga sumpa at mga maka-enkantong bulong na ipinataw laban kay (N) ng masasamang espiritu at ng mga taong kampon ng kasamaan. At sa Ngalan ni Hesu-Kristong Panginoon at Diyos ko ay nilalagot ko at pinuputol ko ang anumang ugnayan ng mga masasamang espiritung ito laban kay (N). | (3x)
At Iyo pong utusan, O Hesu-Kristong Panginoon ko at Diyos ko, ang lahat ng kasamaang ito na lumayas ngayon din at kagyat na mapasakop at mapasailalim sa Kapangyarihan Mo, at utusang magtungo sa Paanan ng Iyong Krus. Ikaw po ang mamahala sa kanilang sasapitin.
O Kabanal-banalang Espiritu, pumasok ka sa kawalang iniwanan ng mga masasamang espiritung ito at punan Mo si (N) ng Iyong Banal na Pananahan, Pag-ibig at Pagkandili. Huwag hahayaang bumalik ang mga espiritung ito. Amen.