1. Te Deum: Prayer of Praise

Ikaw Ay Diyos

Ang dalanging ito ay dinarasal matapos ang liberation pray-over upang magpasalamat sa Diyos at ituon ang luwalhati at papuri lamang sa Kaniya. Iminumungkahi rin na araw-araw itong dasalin ng Kristiyano. Ating natatalos na kinasusuklaman ng mga masasamang espiritu ang mga panalanging nagbibigay papuri sa Diyos. Kaya’t kung ating dadasalin ang panalanging ito, nararapat lang na mayroong lubos na kataimtiman at sigasig nang lumayas sa ating kinalulugaran ang masasamang espiritu.

Pari/ Namumuno/ Lahat:
Ikaw ay Diyos: Pinupuri Ka namin;
Ikaw ay Panginoon: Ipinagbubunyi Ka namin;
Ikaw ang Ama Magpakailan man:
lahat ng sangnilikha ay sumasamba sa Iyo.
Sa Iyo ang lahat ng mga anghel,
lahat ng Kapangyarihan sa Kalangitan,
mga kerubin at serafin, ay umaawit ng
walang humpay na papuri:
Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos
ng kapangyarihan at lakas
Napupuno ang langit at ang lupa
ng Kaluwalhatian Mo.
Ang maluwalhating kalipunan
ng mga Apostol ay nagpupuri sa Iyo.
Ang marangal na pagkakaisa
ng mga Propeta ay nagpupuri sa Iyo.
Ang mga kalinis-linisang hukbo
ng Iyong mga martir ay nagpupuri sa Iyo.
Sa buong mundo ang Banal na
Simbahan ay nagbubunyi sa Iyo :
Ama, na may kamahalang walang hanggan,
ang tunay at nag-iisang Anak Mo,
karapat-dapat sa lahat ng pagsamba,
at ang Espiritu Santo, katuwang at gabay.
Ikaw, Kristo, ay ang Hari ng Luwalhati,
ang walang-hanggang Anak ng Ama.
Noong Ikaw ay nag katawang tao
upang kami ay palayain,
hindi Mo tinaggihan nang may
pagkamuhi ang sinapununan ng Birhen.
Pinagtagumpayan Mo ang sakit ng kamatayan,
at binuksan ang kaharian ng langit
sa lahat ng mananampalataya.
Naluluklok Ka sa Kanan ng Diyos sa kaluwalhatian.
Sumasampalataya kami na Ikaw ay
babalik at Ikaw ang maghuhukom sa amin.
Kaya’t halina, Panginoon, at tulungan
kaming iyong sambayanan, kaming iyong
nailigtas sa pamamagitan ng Iyong sariling Dugo,
at dalhin kami sa piling ng iyong mga banal
sa kaluwalhatian magpasawalang-hanggan. Amen.