Biktima:
O Amang nasa Langit, pinupuri Kita at dinarangal. Pinasasalamatan at ipinag-bubunyi ko ang lahat ng dakilang biyaya Mo sa akin. Muli Mo po akong hugasan ng Dugong ini-alay ng Iyong Anak na si Hesu-Kristo at papag-ibayuhin ang mga Biyayang kaloob ng Espiritu Santo sa akin. Punan Mo po ako ng karunungan, kaalaman, pang-uunawa, pagka-uhaw sa pag-dalangin, gabay at masusing pag-kilala at taos-pusong pag-suko sa Iyong Banal na Kalooban.
Ama, hilumin Mo po ang lahat ng aking negatibong emosyon at lahat ng mga sugat sa puso at kaluluwa ko. Ipadala Mo po sa akin ang Banal na Espiritu
- upang mapawalang bisa ang lahat ng kulam, sumpa at bulong na ipinadala sa kin;
- upang mapawalang bisa at saysay ang lahat ng mga idinaos sa rituwal ng pag-aalay at pagtatalaga sa kasamaan laban sa akin;
- upang kalagan ako sa aking pagkakatali sa lahat ng manang sumpa at masasamang gawain ng aking mga ninuno at magulang, kung mayroon man;
- upang palayain ako sa aking pagkakagapos sa materialismo at pagkalulong sa masasamang gawi at gawain, sa nakalipas at pangkasalukuyan, batid ko man o hindi, na maaaring umuusig sa akin ngayon – sa aking mga ugnayan, sa aking pamilya at mga mahal sa buhay, sa aking pinansyal na katayuan, mga ari-arian at paglilingkod.
Ama, pinatatawad ko, at humuhingi ako ngayon ng kapatawaran para sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan at para sa lahat ng aking mga pagkukulang, naikumpisal ko man o hindi pa, nang ang aking katawan at isipan, puso at kalooban, kaluluwa at espiritu, ala-ala at emosyon, pag-uugali, asal, at mga pagpapahalaga at prinsipyo ay malinis, mahugasan, papag-baguhing muli at maitaguyod ng Kabanal-banalang Dugo ni Hesu-Kristong ini-ibig ko higit sa lahat. Amen.
Or:
Kung hindi makapag-babasa ang biktima ay dadasalin ng namumuno ang sumusunod:
Namumuno:
O Amang nasa Langit, pinupuri Ka namin at dinarangal. Pinasasalamatan at ipinag-bubunyi namin ang lahat ng dakilang biyaya Mo sa amin.
Muli Mo pong hugasan si (N) ng Dugong inialay ng Iyong Anak na si Hesu-Kristo at papag-ibayuhin ang mga Biyayang kaloob ng Espiritu Santo sa kaniya.
Punan Mo po siya ng karunungan, kaalaman, pang-uunawa, pagka-uhaw sa pag-dalangin, gabay at masusing pagkilala at taos pusong pagsuko sa Iyong Banal na Kalooban.
Ama, hilumin Mo po ang lahat ng negatibong emosyon at lahat ng mga sugat sa puso at kaluluwa ni (N). Ipadala Mo po sa kaniya ang Banal na Espiritu
- upang mapawalang bisa ang lahat ng kulam, sumpa at bulong na ipinadala sa kaniya;
- upang mapawalang bisa at saysay ang lahat ng mga idinaos sa rituwal ng pag-aalay at pagtatalaga sa kasamaan laban sa kaniya;
- upang kalagan si (N) sa kaniyang pagkakatali sa lahat ng manang sumpa at masasamang gawain ng kaniyang mga ninuno at magulang, kung mayroon man;
- upang palayain siya sa kaniyang pagkakagapos sa materialismo at pagkalulong sa masasamang gawi at gawain, sa nakalipas at pangkasalukuyan, batid man niya o hindi, na maaaring umuusig sa kaniya ngayon – sa kaniyang mga ugnayan, sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay, sa kaniyang pinansyal na katayuan, mga ari-arian at paglilingkod.
Ama, pinatatawad niya, at humuhingi siya ngayon ng kapatawaran para sa lahat ng kaniyang mga nagawang kasalanan at para sa lahat ng kaniyang mga pagkukulang, naikumpisal man niya ito o hindi pa, nang ang kaniyang katawan at isipan, puso at kalooban, kaluluwa at espiritu, ala-ala at emosyon, pag-uugali, asal, at mga pag-papahalaga at prinsipyo ay malinis, mahugasan, papagbaguhing muli at maita-guyod ng Kabanal-banalang Dugo ni Hesu-Kristong iniibig niya higit sa lahat. Amen.
Matapos ang pag-dalangin ng biktima o ng namumuno, ay itutuloy ang sumusunod:
Namumuno:
Sa Kapangyarihan Mo, O Hesu-Kristong Panginoon ko at Diyos ko, ay utusan Mo pong lumayas ang lahat ng masasamang espiritung nasa taong ito. Igapos Mo po ngayon ang lahat ng espiritu ng kasamaang nagpapahirap sa katawan at kaluluwa ng anak ng Diyos na ito, si (N).
Iyong utusan ngayon, O Hesu-Kristong Panginoon ko at Diyos ko, ang lahat ng kasamaang ito na lumayas ngayon din at kagyat na mapasakop at mapasailalim sa Kapangyarihan Mo, at magtungo sa Paanan ng Iyong Krus. Ikaw po ang mamahala sa kanilang sasapitin.
*O Kabanal-banalang Espiritu, pumasok ka sa kawalang iniwanan ng mga masasamang espiritung ito at punan si (N) ng Iyong Banal na Pananahan, Pag-ibig at Pagkandili. Aking itinatalaga si (N) nang buong-buo sa Iyo, Banal Na Santatlo, O Makapangyarihang Diyos, sa tulong ng mga panalangin ni Birheng Maria, aming Ina. Huwag hahayaang bumalik ang mga masasamang espiritung ito. Amen.
(*Ulitin nang makailang beses.)
Habang pinananatili ang diwa ng pananalangin, tumigil sandali at kumustahin ang biktima.